Monday, June 21, 2010

Si Chiquito, ang sun flower at ang bayabas




Nagtatakbuhan ang mga kalaro ko noon. Sabi nung isa dumating si Chiquito, yung komedyanteng bukbukin. Pero hindi naman.Alas dos ng hapon habang nag iipon ng mga bulaklak na gumamela at sun flower sa me pilapil sa palayan, sabay sabay silang nagtakbuhan papalikod ng bukal sa me bayabasan at kinalimutan ang pangunguha ng bulaklak para pang alay sa floresan. Tag init noon at pawisan kaming dumating.

Me mga batang nag iiyakan, me mga batang nagtutulakan. Ung iba kasama ang nanay, kanya kanyang batukan. Di pala artista ang pinagpepyestahan. Si Mang Gusting manunuli ang kanilang kinakalibumbungan. Maraming mirong nagtawanan. Iba’t iba kasi ang diskarte pag pukpukan. Andyan si Berto na bente anyos na arabyano ang dating kung balbas din lang ang paguusapan. Andun din ang bigotilyong si Roy, na halos umurong ang a.. hanggang lalamunan.


Me dose anyos, me kinse anyos. Me nagtatapangtapangan, meron din kelangang ipatulakan. Meron ding me asawa na ang meron ding napilitan lang. Merong lumuha. Merong parang sinapian. Merong dinaan sa bayabas. At merong ding dinaan sa hagalpakan. Isang putok lang Pak! Tapos ang laban.


Sabi ko sana si Chiquito na lang ang noo’y pinilit naming pasyalan. Masayang nakakatakot ang aking nasaksihan. Pero isang bahagi ng buhay na kelangang daanan. Ang mukha ng mga lalaki, matanda o bata, pare parehong luhaan at pangit na sa larangan ng pukpukan. (Ang pobreng supot).

No comments:

Post a Comment